1.29.2006

x-girlfriend


I met her 3 yrs ago. She used to be the gf of Myke's cuzin.

At first, di kame close kasi kay Myke lang sya nag-cconcentrate dati, maybe becoz yun ang cuzin ng bf nya..it's alright with me, understand ko sya nung mga panahon na yun. and besyds, i was not affected.

Then, 'something' happend between her and her 'bf'.. nagkaroon kasi ng 3rd party on the bf's part..kahit aware ako that time, i never dared na makialam or ipaalam sakanya kasi ayoko pagsimulan ng away nila..One day, i was surprised to reciv a call from her. she was crying so damn hard naawa ako sakanya, but still, i stood my ground. di pa rin ako nakialam. maraming nangyari after that, naging magkaibigan kame..marami rin akong nalaman from her about Myke's family, myke's bro and yes, pati katulong ni Myke..sabi nya saken, di daw ako gusto,etc. i was hurt. bato lang siguro ang taong di masasaktan pag nalaman na ayaw sakanya ng pamilya ng bf nya..everything she told me, sinabi ko kay Myke and he denied everything.

maybe, yung mga sinabi nya saken na yun, may 22o, meron din hindi.

now, she's married. alala ko sya kasi nakita ko pic nila ng husband nya..im happy to know that she's happy now..she kept texting my cuzin about my new #, pero di ko na pinabigay kasi pareho lang kameng nsasaktan pag nagkikita kame. we're happy talking, pero yung mga bagay na sinasabi nya minsan msakit..maybe, a part of her still loves Myke's cuzin..or maybe she's telling the truth rin. ewan..i'm just glad to have known her..and i do hope to see her again, someday.=)..a friend like her is hard to forget.


1.23.2006

friends & lovers

Tuesday.

im bored.

1pm palang wala na ako work..i used to hate it pag marami akong ginagawa, kapag maraming files for editing, but come to think of it, kapag walang files, wala rin work, and there is that possibility na mawalan din ako ng work ** knocks on wood **.. wag naman po sana.=)

Just last week, i was surprised to receive a msg from someone i havent heard from in a while. sabi nya, he's here daw and hopes to see me while he's in town..i got excited especially when an old friend txtd me, sabi kita kits daw wednsday night. I agreed. i swapped skeds with an ofismate just to see these people na naging part na ng HS life ko..i missed these guys, kaya i decided not to got to work that night to see them, only to get disappointed in the end.. di rin kasi kame ngkita becoz of a mixed up in our skeds..i waited for them til 10pm pero wala pa rin txt kaya nagbihis nako, kala ko hindi na tuloy..then, itong si GJ (take note! 12 years na po kame hindi nagkkita mula ng lumipad sya papuntang US) tumawag saken around 11pm, sabi tuloy daw kame..i felt really bad, pati rin sya kasi di nako nakasama..sabi nya, kung alam lang nyang sa Pasig din ako nakatira, sundo na sana nya ako..hay! natulog na lang ako nung gabing yun dahil ayokong magmukmok..isip ko nalang, magkikita pa kame..sabi kasi nya, baka daw paguwi nya dito sa pinas, may baby na daw ako, hehe!=)(tama ba naman yun ang isispin nya!)..kung pwede lang talaga akong sumunod that night, sumunod nako, kaya lang delikado ksi samen, kaya ayaw nako payagan ng ate ko..

well, maybe, nextime=)

last sunday, bumalik na sya..di daw alam kelan ulit balik..so much for hope.=)

i had a wonderful weekend. kasama ko kasi si Myke and we had so much fun..ewan ko ba, pag kasama ko sya, tawa kame ng tawa..walang sawang asaran, lambingan at kulitan pag kaming dalawa nagsama(",)..as usual, feeling ko tumaba na naman ako kasi super kain na naman ginawa namen.. sabi nya saken, wag daw ako magddiet, kaya pala pinapakain nya ako ng marami..=) buti na lang, pag weekdays, nakakapag diet pa rin ako, kasi di nya ako nababantayan, hehe!

3pm palang..1 more hour to go para mag log out..i know, wala ng kwenta tong blog ko, may mai-blog lang talaga! may mga times kasi na ayokong makalimutan, mga dates na gusto kong tandaan kaya nagsusulat ako.

yun lang..antok nako..friendster naman ang issunod ko=)

1.20.2006

a new normal

it's been almost a week since my last post.

a lot of things have happened over the weekend.

last Sunday, i was soo happy. Myke came over to our house and we went out. I kinda missed him, kahit na almost 2 weeks rin kame hindi nagkita. kahit na may tampo pa rin ako sakanya. kahit feeling ko, may tampo rin sya saken becoz of those times na hindi ko sya nattxt, or ino-off ko cp ko dahil alam kong tatawag sya.. andun pa rin yung love, ramdam ko pa rin yung love nya andi felt guilty.

gusto ko na maging straight ulit. i want to find a new normal. gusto ko ng maayos lahat ng dapat ayusin sa buhay ko..as we were having dinner, there he goes again, asking his constant question, kung kelan daw ako magb-BE. gusto ko na rin, pero ewan ko ba, nsa puso ko yung takot, yung diasappointment, yung regret of all those wasted times in my life. but, all that is in the past now. kelangan ko na talaga ayusin "YUN". gusto na kasi nya umalis, ayaw na nya dito and he doesn't want to leave me here. gusto nya sabay kame umalis ng pinas..kilig ako nung marinig ko yun. masaya na ulit ako.

andito nga pala si gj ngaun. we're supposed to meet with rix and dens, di ako nakasama. sayang!

1.11.2006



hey there, it's been a while.

it's almost mid january but nothing much has changed since my last update. ganon pa rin kame ni myke. ganon pa rin kame ni ex..sometimes, im thinking of commiting suicide to end it all. kaya lang naisip ko, bakit? im smart, im young, and im beautiful. i dont need to take my life to end my misery, db?=)

ayan, at least i can still smile. i can still work, and most importantly, i can still think straight, though sometimes, im on the brink of giving in to madness na rin. hay! ang hirap mainlove..i came to the point where i almost gave up myke.isip ko kasi balewala lang ako sakanya..wala na kame communication, di tulad dati, walang araw na di kame pde di mag usap. it's amazing how people change. kahit na alam ko lahat tau nagbabago, it still surprises me pag yung isang good friend, relative or kahit love one nagbago, parang iba pa rin ang feeling..siguro tanga lang talaga ako, hanggang ngaun, ilusyonada pa rin..nagiilusyon na makakahanap ako ng isang guy na hindi magbabago saken, hanggang sa pagtanda namen..tanong ko lang, may ganon pa ba ngaun?

in the case of myke, nagusap kame kagabi. he hasn't been texting much since the start of the year at ang malupit pa nun, we haven't even seen each other mula ng pumasok ang 2006..this got me thinkin, masamang omen ba ito? buti pa nga si ex, kahit pano ramdam ko na miss nya ako.nagtxt ako sakanya telling him about how i feel, na nagtatampo na ako,and as usual, di na naman kame nagkaintindihan..he told me he's been so darn busy and sana daw tulungan ko sya..i didnt know what to say, kaya nasabi ko na lang how should i know about it kung ni txt wala akong natatanggap..matagal na namen problema ito, yung pag busy sya di sya nagttxt, i just hope we can still make things work between us before it's too late. sana, di mabalewala ang almost 4 years nameng pagsasama.

actually, i miss him. and i love him, still. kahit na may kalokohan ako, kahit na minsan pakiramdam ko manhid nako sa kanya, i cant ignore the fact that i still love him. baliw nako db?

si ex naman, anjan pa rin..its such an irony how u can hate the one you love and vice versa..dati kasi di ko naisip na mamahalin ako ng todo ni bernard..pero ngaun, ramdam ko na mahal nga nya ako, sometimes, parang mas ramdam ko pa ang love nya kesa kay myke. ewan.mejo magulo nga ang isip ko. pinagulo pa lalo ni myke kagabi sa mga txts nyang masakit basahin.

gusto ko nga uminom mamaya pero wala naman akong kasama..naisip ko magsolo, pero parang nakakahiya naman kun ganon mangyayari. sana may makasabay ako mamaya, may sumama sa kabaliwan ko.

yun lang muna. pagod nako mag isip. awa nako sa sarili ko, kaya ititgil ko muna tong kabaliwan na to.

sana bukas, paggising ko, okay nako.

1.01.2006

New year's blues



2nd day of the year.

i know, i shoudn't feel sad, restless. But i do.

i did something this weekend that im not supposed to do.. cguro, out of katigasan lang ng ulo kaya ko nagawa yun, sabay pa ng sulsol ng ibang tao sa paligid ko. i went out with him, again! i know, i feel stupid doing this..hindi tama, unfair sa kanya, pero feeling ko kasi binabale wala na naman ako ni myke..he rarely calls lalo na nung New Year's eve, di man lang ako naalala tawagan..i admit, tampo na naman ako..e pano naman, he seems so cold, ewan bakit..last new years eve, i was trying to kol him pero bz cp nya, tapos nagmimiskol sya using his 2 cp's.when i asked him 'Y' sya miskol, di naman nagrereply. tapos, i tried calling his other number, may sumagot, pero he dropped the call. now, tel me, wala ba akong karapatan magtampo?

1st time i called him, bz ang line nya, the 2nd time, he dropped the call. naguguluhan ako, di ko alam bakit sya ganon saken..pede kaya magsawa sayo ang taong mahal mo? tanong ko lang kasi ako mismo, di ko na rin alam kung ano ba talaga ang true meaning ng LOVE. .to some people, corny ako, baduy, pero tumatanda na kasi ako and ayoko na makipaglaro..sabi nga ng papa ko, magasawa na daw ako, lapit na kasi akong mg-29 and my parents are old na rin..pero pano ko ba sasabihin sa papa ko, na di ko na rin alam kung gusto ko pa magasawa o hindi na.

magulo kasi ang mundo naten ngaun. yung mga magkakakampi, naging magkakaaway na..yung mga magkakapamilya, nagkawatak watak na..nagbabago na kasi ang panahon..lalo na ang mga tao.yung nakilala kong mabait dati, nagtatago lang pala sa maskara, hindi pala sila totoo. tulad ni Myke. akala ko dati, di sya magbabago, na lagi nya akong mahal pero nagkamali na naman ako..masakit saken mabalewala ng taong mahal mo at ng taong nagsasabi na mahal din ako..ganon pala yun, kahit ilang beses ka ng ma-disappoint, masasaktan ka pa rin..parang pagkakamali, ilang beses ka man magkamali, masakit pa rin.

sabi ko sa sarili ko dati, di nako aasa pa pagdating sa love..pero eto nga, nasasaktan na naman ako dahil di ko maiwasan di umasa..isa na siguro ako sa pinakatanga pagdating sa love..kasi naman, wala akong kadala-dala..lagi pa rin ako nasasaktan..ang ginawa ko nga ngaun, di nako nagdadala ng celphone para di na rin ako magexpect ng tawag nya. buti pa si bernard, may effort na tumawag saken, kahit na bale wala lang sya saken. bakit kaya ganon, kung sino pang mahal ko yun pa ang walang oras para saken..naisip ko nga ayoko muna makipagkita sakanya, and this week, i made a promise na di ako mag-o-on ng cp, try ko lang muna. di ko naman naisip gumanti, this is for my own good rin..mahirap kasi umasa..sana lang maisip ni Myke na napapagod din ako, na pede akong mawala sa buhay nya. Minsan kasi kampante na sya masyado, hindi nya alam, nasasaktan ako pag di sya nagttext o tumatawag.

ayokong isipin na may iba na sya, hindi ko kasi kaya..it happened to me once, yung lokohin ( im talking about my dad who once had an affair) and thinking about it now, di ko kaya..hindi ko yata kaya kapag nalaman kong niloloko lang pala ako ni Myke..but if that happens, ipagdadasal ko na lang sya pati ang kaluluwa nya..

i hope to God i get over this feeling, that i'd be able to overcome the fear of losing him, para di nako syado masaktan.yun lang kasi naisip ko ngaun eh..feeling ko, kapag pinagpatuloy pa nya ginagawa nya saken, iiwanan ko na sya without saying goodbye..sana lang, when that time comes, maintindihan nya ako. naiiyak nga ako minsan pag gabi, isipin ko pa lang magkakahiwalay kame, umiiyak nako,,but we all have to make a choice sometimes..masaya na rin ako dahil nakilala ko rin, naramdaman ko kun pano mahalin once in my life..i know, God has a reason why this is all happening..maybe He wants me to be stronger..sana makayanan ko to.