New year's blues

2nd day of the year.
i know, i shoudn't feel sad, restless. But i do.
i did something this weekend that im not supposed to do.. cguro, out of katigasan lang ng ulo kaya ko nagawa yun, sabay pa ng sulsol ng ibang tao sa paligid ko. i went out with him, again! i know, i feel stupid doing this..hindi tama, unfair sa kanya, pero feeling ko kasi binabale wala na naman ako ni myke..he rarely calls lalo na nung New Year's eve, di man lang ako naalala tawagan..i admit, tampo na naman ako..e pano naman, he seems so cold, ewan bakit..last new years eve, i was trying to kol him pero bz cp nya, tapos nagmimiskol sya using his 2 cp's.when i asked him 'Y' sya miskol, di naman nagrereply. tapos, i tried calling his other number, may sumagot, pero he dropped the call. now, tel me, wala ba akong karapatan magtampo?
1st time i called him, bz ang line nya, the 2nd time, he dropped the call. naguguluhan ako, di ko alam bakit sya ganon saken..pede kaya magsawa sayo ang taong mahal mo? tanong ko lang kasi ako mismo, di ko na rin alam kung ano ba talaga ang true meaning ng LOVE. .to some people, corny ako, baduy, pero tumatanda na kasi ako and ayoko na makipaglaro..sabi nga ng papa ko, magasawa na daw ako, lapit na kasi akong mg-29 and my parents are old na rin..pero pano ko ba sasabihin sa papa ko, na di ko na rin alam kung gusto ko pa magasawa o hindi na.
magulo kasi ang mundo naten ngaun. yung mga magkakakampi, naging magkakaaway na..yung mga magkakapamilya, nagkawatak watak na..nagbabago na kasi ang panahon..lalo na ang mga tao.yung nakilala kong mabait dati, nagtatago lang pala sa maskara, hindi pala sila totoo. tulad ni Myke. akala ko dati, di sya magbabago, na lagi nya akong mahal pero nagkamali na naman ako..masakit saken mabalewala ng taong mahal mo at ng taong nagsasabi na mahal din ako..ganon pala yun, kahit ilang beses ka ng ma-disappoint, masasaktan ka pa rin..parang pagkakamali, ilang beses ka man magkamali, masakit pa rin.
sabi ko sa sarili ko dati, di nako aasa pa pagdating sa love..pero eto nga, nasasaktan na naman ako dahil di ko maiwasan di umasa..isa na siguro ako sa pinakatanga pagdating sa love..kasi naman, wala akong kadala-dala..lagi pa rin ako nasasaktan..ang ginawa ko nga ngaun, di nako nagdadala ng celphone para di na rin ako magexpect ng tawag nya. buti pa si bernard, may effort na tumawag saken, kahit na bale wala lang sya saken. bakit kaya ganon, kung sino pang mahal ko yun pa ang walang oras para saken..naisip ko nga ayoko muna makipagkita sakanya, and this week, i made a promise na di ako mag-o-on ng cp, try ko lang muna. di ko naman naisip gumanti, this is for my own good rin..mahirap kasi umasa..sana lang maisip ni Myke na napapagod din ako, na pede akong mawala sa buhay nya. Minsan kasi kampante na sya masyado, hindi nya alam, nasasaktan ako pag di sya nagttext o tumatawag.
ayokong isipin na may iba na sya, hindi ko kasi kaya..it happened to me once, yung lokohin ( im talking about my dad who once had an affair) and thinking about it now, di ko kaya..hindi ko yata kaya kapag nalaman kong niloloko lang pala ako ni Myke..but if that happens, ipagdadasal ko na lang sya pati ang kaluluwa nya..
i hope to God i get over this feeling, that i'd be able to overcome the fear of losing him, para di nako syado masaktan.yun lang kasi naisip ko ngaun eh..feeling ko, kapag pinagpatuloy pa nya ginagawa nya saken, iiwanan ko na sya without saying goodbye..sana lang, when that time comes, maintindihan nya ako. naiiyak nga ako minsan pag gabi, isipin ko pa lang magkakahiwalay kame, umiiyak nako,,but we all have to make a choice sometimes..masaya na rin ako dahil nakilala ko rin, naramdaman ko kun pano mahalin once in my life..i know, God has a reason why this is all happening..maybe He wants me to be stronger..sana makayanan ko to.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home